World Health Organization, kokonsultahin ng DOH kung idedeklarang under control na ang COVID-19 sa pilipinas

Kokonsultahin ng Department of Health (DOH) ang World Health Organization (WHO) upang malaman kung pwede na nating ideklara na kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ay dahil dalawang linggo nang mas mababa sa 5 percent ang positivity rate ng bansa.

 

Sa kabila niyan, iminumungkahi pa rin ni Duque sa publiko ang pagsusuot ng face shields.


 

Kahapon, umabot lamang sa 890 ang bagong COVID-19 cases na naitala ng DOH habang 1,170 naman ang gumaling at 200 ang nadagdag sa mga pumanaw dahil sa sakit.

Facebook Comments