Maraming mga bata ngayon ang tinamaan ng diarrhea.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza na uso ngayon ang diarrhea sa mga bata matapos ang Holy Week kung kailan nagsipag-swimming ang mga ito.
Ayon kay Atienza, hindi kasi naiwasang makainom ng tubig mula sa swimming pool o sa dagat ang mga bata kaya tinamaan sila ng diarrhea.
Kung kaya’t payo nito sa mga magulang na bigyan ang mga bata ng rotavirus vaccine pangontra sa diarrhea o anumang sakit dala ng tag-init.
Kasunod nito ay hinikayat ni Atienza ang publiko na samantalahin ang pagdiriwang ng world immunization week kung saan available ang mga tinatawag na vaccine preventable diseases.
Kasama na rito ang bakuna laban sa tetanus, tigdas, diptheria, trangkaso, cervical cancer at iba pa.
Payo nito, magpunta lamang sa mga health center at matuturukan ng libre ang mga bata ng mga nabanggit na bakuna.