Manila, Philippines – Matapos ang World Kidney Day kahapon, pinag-iingat ng mga eksperto ang publiko sa sakit sa bato o kidney.
Ang kidney ay tumutulong sa para mapanatili ang kaayusan at maging balanse ang ating katawan.
Sinasala nito ang dugo para matanggal ang mga lason o toxin sa katawan.
Ayon kay Dr. Russel Villanueva, isang nephrologist – dalawa ang pangunahing dahilan ng sakit sa bato: una ay diabetes at high blood pressure; ikalawa ay drug-related kung saan ang mga gamot na iniimom ay posibleng makasira sa bato.
Paalala ni Villanueva, mahalaga ang regular na pagpapa-checkup sa doctor at mahalaga rin ang tulong ng taunang urinalysis para malamang maayos ang kalusugan at mapigilang mapalala ang sakit.
Base sa datos ng Department of Health (DOH) noong 2013, kabilang ang sakit sa bato sa 10 nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.