World – Umaani ng ibat ibang reaksyon ang tuluyang pag-atras ni US President Donald Trump sa Paris Climate Agreement.
Ayon sa European Union top climate change official – isang malungkot na araw para sa global community ang ginawang pagtalikod ni Trump sa climate accord.
Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si French President Emmanuel Macron na sinabing walang plan B pagdating sa climate change at isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Trump para sa kinabukasan ng mundo.
Nagpahayag ng kanyang labis na pagkadismaya si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa U.S. Federal Government.
Kapwa nagkasundo naman ang Italy, France at Germany sa pagsabing pinagsisihan nila ang naging desisyon ng Commander in Chief mula sa naturang deal.
DZXL558
Facebook Comments