WORLD NEWS | Halos 50 patay sa bus crash sa Kenya; Indonesia, niyanig ng lindol

Pumalo sa halo 50 tao ang patay kabilang ang pitong bata matapos bumagsak ang sinasakyang bus sa Nairobi, Kenya.

Binabantay ng bus ang highway sa Kenyan Capital patungo sa siyudad ng Kisumu nang mawalan ng kontrol ang driver at bumulusok ang bus sa isang matarik na dalisdis.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Kenyan President Uhuru Kenyatta sa pamilya ng mga biktima.


Hiniling din ng pangulo ng Kenya ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa aksidente.

Samantala, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Java at Bali Indonesia kaninang umaga.

Base sa U.S. Geological Survey, ang episentro ay nasa 40 kilometers silangan ng Java Island at may lalim na 10 kilometro.

Wala pang naiuulat na pinsala.

Facebook Comments