Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Koko Pimentel ang publiko na bawasan kung hindi man tuluyang maiwasan ang paggamit ng plastik na banta sa kalikasan lalo na sa karagatan.
Nauunawaan ni Pimentel ang kahalagahan ng paggamit ng plastic pero dapat aniyang mas bigyang bigat ang perwisyong dulot nito.
Ginawa ni Pimentel ang apela kasabay ng obserbasyon ng buong mundo sa katatapos na World Oceans Day.
Tinukoy din ni Pimentel ang 2015 Ocean Conservancy report na nagsasabing 8-milyong metriko tonelada ng basurang plastik na itinatapon sa karagatan taon-taon ay nagmumula sa mga bansang China, Indonesia, Philippines, Thailand, at Vietnam.
Binanggit din ni Pimentel ang pagtaya na pag-spit ng taong 2050 ay mahihigitan na ng mga basurang plastik ang dami ng mga isda sa karagatan na magreresulta sa pagbagsak ng fishing industry.
Bunsod nito ay plano ni Pimentel na bumalangkas ng panukala na maglilimita sa paggamit ng plastic.