WORLD PEACE | Pope Francis, muling nanawagan ng kapayapaan sa mundo

Vatican, Europe – Sa pinakamasayang araw ng para sa mga Kristiyano, muling nanawagan ng kapayapaan sa mundo si Pope Francis.

Sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng Easter Sunday sa Vatican City, sinabi ni Pope Francis na dapat nang matapos ang mga giyera at sigalot sa mundo simula sa Syria, sa Middle East, Korean peninsula at ilang bahagi ng Africa na nakakaranas ng tag-gutom, mga bakbakan at terorismo.

Ayon pa sa Santo Papa, ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ay nagbibigay ng pag-asa sa buong mundo na sa kabila ng kaguluhan at karahasan ay hindi dapat sumuko sa mga pagsubok.


Nanawagan din ang Santo Papa ng agarang pagpapadala ng tulong at suporta sa mga taga-Syria na patuloy na naiipit sa giyera sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng nais pabagsakin ang gobyernong assad.

Ipinalangin din ni Pope Francis ang mapayapang solusyon sa away ng Israel sa mga katabi nitong mga bansa at sa buong Middle East.

Facebook Comments