World Pool Games gold medalist Carlo Biado – target na muling makasungkit ng ginto sa 2017 Sea Games

SEA Games – Target ni World Pool Games gold medalist Carlo Biado na muling makasungkit ng ginto sa pagsabak niya sa 29th Southeast Asian Games na magsisimula na August 19 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kauuwi lang ni Biado sa bansa matapos na magwagi ng gold medal sa 2017 World Poll Games sa Poland.

Makakalaban niya sa SEA Games ang 18-anyos na si Cheska Centeno.


Samantala, balik-Pilipinas na rin ang National Women’s Volleyball Team na sumailalim sa 17 araw na practice sa Osaka, Japan.

Pero bago sumabak sa SEA Games, maglalaro muna ang koponan sa Asian seniors championships sa Laguna kung saan una nilang makakalaban ang Hongkong sa August 9.

Facebook Comments