Manila, Philippines – May karapatan ang bawat Pilipino sa reproductive health.
Ito ang iginiit ng Commission on Population (POPCOM) kasabay ng annual celebration ng World Population Day.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, ang family planning information at services ay dapat lang maihatid at maibigay sa lahat.
Ang family planning ay hindi lamang ang pagkakaroon ng access sa contraceptives pero sa pagsusulong ng human development.
Dagdag pa ni Perez, ang pag-invest sa family planning ay pag-invest na rin sa kalusugan at karapatan ng mga kababaihan at mag-asawa na layong makamit ang magandang kalidad ng buhay.
Base sa 2017 national demographic and health survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang fertility rate ng mga kababaihan sa Pilipinas sa average na tatlong bata hanggang sa 2.7.
Lumabas din sa datos na mataas ang kaso ng teenage pregnancy sa siyam na porsyento ng mga kababaihan na may edad 15 hanggang 19.