World ranking ng Pilipinas sa usapin ng case fatality rate, tumaas

Tumaas ang standing ng Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo pagdating sa case fatality rate.

Sa datos ng World Health Organization (WHO) at John Hopkins kahapon, February 22, tumaas sa 2.2 ang case fatality rate sa bansa.

Kaya mula ika-67, nasa ika-60 pwesto na ngayon ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng namamatay dahil sa COVID-19.


Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bumaba naman ang ranking ng bansa sa may pinakamaraming bilang ng kaso sa buong mundo.

Mula ika-41, nasa ika-45 pwesto ngayon ang Pilipinas kung pagbabasehan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kahapon, sumampa na sa 563,456 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 28,488 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments