Russia – Upang maiwasan ang manipulasyon ng ilang mga bansa, isinailalim ngayon sa overhaul ang world ranking system ng FIFA ilang araw bago ang World Cup na gaganapin sa Russia sa darating na Hunyo 14.
Sa ulat, napagpasyahan sa isang council meeting ng FIFA na i-adopt ang modified elo ranking system na unang ginamit sa larong chess.
Sa ganitong paraan ay makikita ang lakas ng bawat kalahok na national teams at hindi na rin daw masyadong magkakaroon ng bearing sa FIFA rankings ang mga resulta ng friendly games.
Umani kasi batikos ang kasalukuyang sistema na sinasamantala raw ng mga bansa sa pamamagitan ng pag-schedule ng mga low-risk friendlies sa mga koponang hindi gaanong kalakasan.
Facebook Comments