WORLD RECORD | 24-anyos na babae sa UK, nasungkit ang titulong may pinakabatang may balbas

United Kingdom – Nasungkit ngayon ng isang babae sa United Kingdom ang titulo sa Guinness World Record bilang “Youngest female with a full beard” o pinakabatang babae na may mahabang balbas.

Sa edad kasi na 24-anyos, umaabot na sa anim na pulgada ang balbas ni Harnaam Kaur ng Slough.

Biruin niyo, sa edad daw labing isang taong gulang ay tinubuan na siya ng balbas at mabilis na paghaba nito.


Ang dahilan daw sa pagtubo ng buhok sa mukha ni Harnaam ay dahil sa sakit niyang Polycystic Ovary Syndrome kung saan mas mataas ang testosterone niya kaysa sa ibang babae.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, bukal sa loob daw na tinanggap ni Harnaam ang kanyang kondisyon at naging inspirasyon siya sa iba upang magtiwala at maging komportable sa sarili.

Facebook Comments