WORLD RECORD | 37 posporo, pinatay ng lalaki sa New York sa pamamagitan ng kanyang dila sa loob ng 1 minuto

New York – Nagpamalas ng talento ang isang 61 years old na si Ashrita Furman sa pagpatay ng mga nag-aapoy na posporo.

Si Ashrita ay kayang pumatay ng apoy sa posporo sa pamamagitan ng kanyang dila.

Sa patakaran ng Guinness Book of World Record, kinakailangan ni Ashrita na makapatay ng 30 matchsticks sa loob ng isang minuto para makuha ang titulo.


Napabilib ni Ashrita ang lahat dahil 37 matchsticks na nag-aapoy ang kanyang naapula gamit ang kanyang dila.

Kaya naman nasungkit niya ang titulong “Most Matchsticks Extinguished with the Tongue in One Minute”.

Facebook Comments