WORLD RECORD | 80 tao, gumawa ng human pyramid habang nagwa-water ski

USA – Isang water skiing team mula Wisconsin, USA ang target makasungkit ng world title sa pagbuo human pyramid habang nasa tubig.

Katunayan, binubuo ito 80 miyembro mula sa tatlong water skiing team kabilang ang rock aqua jays, aquanauts at web footers.

Isinagawa ang record attempt sa Janesville kung saan na-beat nila ng kanilang 1, 148-foot distance mula sa shoreline ang 656-foot distance na ni-required ng Guinness.


Mas marami rin ang participants nila kumpara sa 64 lang mula sa may kasalukuyang title holder.

Naisumite na nila ang documentation nito sa Guinness at inaasahang lalabas ang resulta nito pagkatapos ng dalawang linggo.

Facebook Comments