Kung may ilan sa atin ang takot o hindi pa rin marunong maglangoy, isang swimming instructor naman sa Bulgaria ang walang katakot-takot na lumangoy sa dagat habang nakasilid sa sako!
Katunayan, dati nang gumawa ng pangalan sa Guinness World Record ang 64-anyos na si Yane Petkov matapos na lumangoy nang naka-sako sa layong 1.2 miles.
Pero naagaw ito sa kanya ng isang Indian fisherman noong 2013.
At ngayong taon, tagumpay na naibalik ni Petkov ang titulo matapos na lumangoy sa layong 2.1 miles sa macedonia’s lake ohrid.
Ang nakakahanga pa, bukod sa naka-sako nakatali pa ang kanyang mga kamay at paa!
Dalawang linggo raw na nagsanay si Petkov para sa nasabing record attempt.
Facebook Comments