WORLD RECORD | Calasiao Susungkitin ang Largest Rice Cake(Puto) Mosaic para sa Guinness World Records

Nakatakda ngayong araw ang pagsungkit ng bayan ng Calasiao sa titulong Largest Rice Cake o Puto na ipinagmamalaki ng bayan sa Guinness World Records. Sa kasalukuyan nasa tinatayang nasa 64 square meters ang world record ng largest rice cake mosaic na hawak ng bansang Cambodia na balak naming agawin ng Bayan ng Calasiao sa paggawa ng 200 square meters na rice cake mosaic.

Hapon magsisimula ang paghahanda sa Rice Cake Mosaic sa Calasiao Public Plaza. Ayon kay Councilor Gerald Aficial naging okay naman ang paghahanda ng sa pagsungkit sa titulo at sa paghahanda sa taunang Calasiao Puto Festival. Dagdag pa nito na katuwang nila ang mga nasa 30 na mga puto vendor producers’ ng bayan sa pagkamit ng record na ito.

Tiwala ang mga mangunguna sa nasabing festival na makakatulong ang mga ganitong pagkilala at pagdiriwang upang mas pasiglahin pa ang industriya ng puto sa nasabing bayan. Bilang pagdiriwang ng Calasiao Puto Festival ayon sa Executive Order 103 Series of 2017 pansamantalang susupendihin ang pasok sa lahat ng paaralan sa lahat ng lebel at ang iba pang karaniwang trabaho.


Sa pagsisimula ng Calasiao Puto Festival maraming aktibidad ang inihanda ng Local Government Unit (LGU) gaya ng Night Run sa gabi at ang opening Night na pangungunahan ng ibat-ibang banda. Ang isa mga inaabangan din ng mga tao ay ang Fireworks Display sa parehas na araw.

Facebook Comments