WORLD RECORD | Harlem Globetrotters, muling nakasungkit ng bagong world record sa Guinness

Sports – Muli na naman nakasungkit ng Wolrd Record ang sikat na exhibition basketball team na Harlem Globetrotters.

Nakuha nila ang record sa pinakamadaming naipasok na bola ng basketball sa half-court kung saan anim na miyembro nila ang nakapagtala ng 348 succesful shots.

Isinagawa nila ang record breaking attempt sa live tv show na “Good Morning America” sa New York.


Dahil dito, umaabot na sa labing limang world record ang hawak ng Harlem Globetrotters sa mga trick shots at basketball skills.

Facebook Comments