WORLD RECORD | Hat maker sa Florida, target na masungkit ang “World’s Tallest Hat” title sa Guinness

Amerika – Ibinida sa Guinness World Records ng isang artist mula Florida ang paperwork niya na sombrero.

Pero ang kakaiba sa sombrero ni Odilom Ozare, may sukat itong 18 feet and 9 inches tall!

Target ng hat maker na ma-break ang titulong “World’s Tallest Hat” mula sa kasalukuyang title holder nito na may sukat na 9 feet at 9 inches.


Aniya, inabot siya ng halos dalawang buwan bago natapos ang sombrero na gawa sa peacock feathers, rhinestones, ribbon at iba pang bird decoration.

Nakatakda rin itong i-display sa Ella’s Folkart Café sa Tampa City, Florida.

Sa ngayon, hinihintay na lang ni Ozare ang desisyon ng mga hurado ng Guinness.

Facebook Comments