WORLD RECORD | Isang babae, tinawid ang Cuba patungong Florida gamit ang paddle board

Umaasa ang isang babae mula Florida na makuha ang world records sa pagsasagwan habang nakatayo sa isang paddle board.

Nagawang matawid ni Victoria Burgess ang 160 kilometrong dagat mula Cuba patungong Florida sa loob lamang ng 28 oras.

Ayon sa 34-anyos na si Burgess na isang fire inspector, ginawa niya ito para magsilbing inspirasyon sa iba.


Pinaniniwalaang si Burgess pa lamang ang natatanging babae na nagawang tawirin ang Florida Straits gamit ang paddle board.

Facebook Comments