WORLD RECORD | Isang skyscraper sa China, hinahangaan dahil sa man-made waterfall nito

China – Isang skyscraper sa Guiyang City sa China ang binibista ngayon ng mga turista dahil sa kakaiba at unique nitong attraction.

Nabatid kasi na ang Liebian International Plaza ay naglagay sa harap mismo ng building nito ng man-made waterfall na may 354-foot ang taas.

Maging ang mga tenants nito ay manghang-mangha sa futuristic structure nito na kung saan maging ang motorista ay napapahinto para magpakuha ng picture o kaya ay magpa-selfie.


Dahil dito, ikinatuwa ng pamunuan ng Liebian International Plaza nang masungkit nila ang record na World’s Largest Man-Made Waterfall.

Facebook Comments