WORLD RECORD | Longest line ng hotdog, nasungkit ng isang golf course sa Illinois

Illinois – Hindi akalain ng mga empleyado ng isang golf course sa  Illinois na makakasungkit sila ng titulo sa Guinness World Record.

Nabatid kasi na nagsagawa ng selebrasyon ng 4th of July ang Mistwood Golf Club kung saan kanilang inilatag ang nasa 2,496 hotdog sa 1,163 foot na golf course.

Dahil dito, tinalo nila ang dating record ng Nakakyushu Kobota na isang Japanese company na nakapag-latag ng mga hotdog sa habang 1,157 foot.


At para masiguro ang documentation, gumamit pa ng mga drone ang pamunuan ng golf course habang isinasagawa ang record breaking event at mas nag-enjoy naman ang mga nakanood nito dahil one-to-sawa ang pagkain nila ng hotdog.

Facebook Comments