WORLD RECORD | Pinakamahabang balabal sa buong mundo, nasungkit ng Cambodia

Cambodia – Ikinatuwa ng mga residente sa Phnom Penh sa Cambodia ang bago nilang hawak na record sa Guinness World.

Nabatid na nasungkit nila ang kauna-unahang record sa pinaka-mahabang krama scarf sa buong mundo.

Ang nasabing scarf ay may habang 1,149.8 meters kung saan nagawa nila ito gamit lamang ang kamay.


Mahigit-kumulang 23,000 katao ang nakisali sa six-month weaving marathon na kanilang isinagawa sa labas ng Royal Palace ng Phnom Penh.

Libu-libo din ang tumulong para mai-rolyo ang Krama scarf sa kahabaan ng kalye para masukat ito ng mga Guinness Official.

Facebook Comments