World Record | Pinakamalaking puto mosaic, susubukang sungkitin ng Pilipinas!

Pangasinan – Target ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na masungkit ang Guinness world title para sa pinakamalaking rice cake mosaic sa buong mundo.

Kasabay ng pagdiriwang ng “puto festival” noong Huwebes, ibinida ng mga Pangasinense ang higanteng mosaic na gawa sa 320,000 piraso ng puto.

Inilatag ang mga puto sa 70 mesa kung saan makikita ang larawan ng isang lolo na sinubuan ng puto ang kanyang apo.


Ang larawan ay idinisenyo ng 28-anyos na Pangasinense Artist na si Kel Padilla.

Isang buwan ang hihintayin bago makumpirma kung nasungkit ng Pilipinas ang titulo.

Kasalukuyang title holder ng World’s Largest Rice Cake Mosaic ang Fukushima, Japan gamit ang 23, 862 na puto noong 2012.

Facebook Comments