Chicago – Pinatunayan ni George Hood ng Naperville, Illinois na kalabaw lang ang tumatanda matapos na tagumpay na makasungkit ng titulo sa prestihiyosong Guiness Book of World Records.
Hindi pa huli ang lahat para sa 60-anyos na si George na nakapagtala pinakamatagal na planking sa buong mundo.
Tumagal lang naman siya ng sampung oras at sampung minuto habang nakalutang ang katawan sa ere at tanging braso’t mga daliri lang sa paa ang nakasayad sa sahig.
Hindi lang doble o triple, dahil limang beses na mas matagal ang nagawang record ng retired us marine kumpara sa dalawang oras lang na naitala ni Mao Weidong ng China noong 2016.
Facebook Comments