WORLD RECORD | Record na may pinakamataas na waffles tower, nakuha ng isang lalaki sa Denver

Denver – Nakuha ng isang 23-anyos mula sa Denver ang world record na makagawa ng pinakamataas na patong-patong na waffles.

Gamit ang 50 pounds na waffle mix, gumawa si Spencer Mccullough ng isang tower ng waffles na umabot sa 67 sentimetro o higit dalawang talampakang taas.

Nahigitan nito ang dating world record na 51 sentimetro.


Sabi pa ni Spencer, nais niyang ma-inspire ang ibang mga nagne-negosyo na makapagtala ng sarili nilang world record.

Facebook Comments