WORLD RECORD | Roger Federer, kinilalang “Oldest Number One Tennis Player”

Hawak na ng Swiss Tennis star na si Roger Federer ang world record bilang “Oldest Number One Tennis Player”.

Ito ay matapos na idispatsa ni Federer ang Bulgarian tennis player na si Grigor Dimitrov sa finals ng Rotterdam Open.

Naagaw niya ang record mula kay Andre Agassi ng America.


Hindi naman makapaniwala si Federer sa muli niyang paghahari sa mundo ng tennis matapos ang anim na taon.

Facebook Comments