Japan – Isang kumpanya sa Japan ang gumawa ng pangalan sa Guinness World Record matapos na makabuo ng pinakamaliit na fidget spinner sa buong mundo!
May sukat lang naman ito na .20 inches long at kapal na .06 inches!
Pero ayon sa project leader na si Shigeru None – “small but terrible” ang fidget spinner dahil kahit napakaliit, kaya pa rin nitong umikot nang napakatagal.
Walong tao ang nagtulong-tulong na mabuo ang 20-inch long spinning toy na natapos gawin sa loob ng dalawang buwan.
Samanta, una nang nagtala ng titulo sa Guinness si Tony Fisher matapos namang ibida ang kanyang World’s Largest Fidget Spinner na sukat na 3.3 meters long.
Facebook Comments