Tinalo ng Boston Red Sox ang Los Angeles Dodgers, 8-4 sa opening game ng best of seven World Series.
Nagpasiklab si Andrew Benitendi ng four hits at tatlong run para pangunahan ang open sa ng Boston sa kanilang home field.
Maging ang pitching ace ng Dodgers na si Clayton Kershaw ay walang nagawa sa mainit na bat ni Benitendi.
Si Benitendi ang pangalawa lamang na left hand batter na nakaiskor ng tatlong hits laban kay Kershaw.
Lumamang agad ang Red Sox sa opening inning pero hindi naman bumitaw ang Dodgers at nagawa pa nilang lumapit sa 5-4 sa itaas ng 7th inning.
Pero kinumpleto ni Benitendi ang kaniyang magandang laro nang pumalo ito ng double sa ibaba ng 7th inning para selyuhan ang panalo ng Boston.
Facebook Comments