World vision development foundation INC., nakipag-tulungan na sa RMN Networks at RMN Foundation para umagapay sa mga bata sa buong bansa

Patuloy ang pangangalaga ng World Vision Development Foundation Incorporated sa mga bata sa buong bansa sa pakikipag-tulungan ng Radio Mindanao Networks (RMN) at RMN Foundation.

Ang World Vision Development Foundation INC. ay isang International Christian Relief Development and Advocacy Organization na nagbibigay serbisyo at programa sa lahat lalo na sa mga bata sa loob ng 62 years.

Ayon kay World Vision National Director Rommel Fuerte, isa sa mga programa ng World Vision ay ang edukasyon para sa lahat.


Lalo na ang mga batang nanggaling sa pamilyang walang kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak.

Maliban sa education program, sinabi ni Fuerte na mayroon din silang health program na nagpo-pokus sa mga batang nasa 0 to 5 years old.

Facebook Comments