Maliban sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan sa Pilipinas, tiniyak din ng World Vision Philippines na tututukan nila ang mga komunidad na kanilang tinitirhan para mapanatiling maayos at malinis ang kanilang kapaligiran.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni John Benedict Assuncion, Phinla Project Coordinator ng World Vision Philippines, may tatlong layunin ang organisasyon para maisakatuparan ito.
Una, pagbutihin pa ang income ng urban community members na mataas ang banta ng kahirapan pagdating sa waste management livelihood opportunities.
Pangalawa, baguhin ang environmental management performance ng mga ito sa tulong ng mga Ecowaste Coalition.
At ang pangatlo, patatagin ang ugnayan ng mga government stakeholders sa local communities o Local Government Units (LGUs) papunta sa national government.
Sakaling maisakatuparan ang mga layuning ito, siguradong magiging maayos ang kalusugan ng mga kabataan sa bansa.
Ang World Vision ay isang international humanitarian organization na nangangalaga sa mga kabataan, sa kanilang mga pamilya at komunidad para labanan ang kahirapan sa isang bansa.