WORLD WAR BOMB | Dalawang batang babae, instant famous sa Michigan

Michigan – Isang World War I bomb ang natagpuan ng dalawang batang babae sa Michigan Lake sa Argentine Township.

Ayon sa kina Paige Burnett, 9-anyos at Sage Menzies, 10-anyos nakita nila ang bomba habang naliligo sa lawa.

Tuwang-tuwa sina Paige at Sage sa kanilang natagpuan na inakala pa nilang space rocket kung saan magiging famous daw sila sa kanilang nadiskubre.


Agad naman ini-report ng mga magulang ng bata ang natagpuang bomba sa mga otoridad at dito nadiskubreng ginamit pa ito noon pang 1940.

Facebook Comments