Nagdiwang ng kaniyang ika-100 kaarawan ang Isang World War II Veteran sa Dagupan City noong ika-7 ng Enero.
Si Lolo Reymundo Cabrera mula sa Barangay Bonuan Gueset, masayang ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay na masigla sinalubong ang bagong yugto ng kaniyang buhay.
Siya ay Isang beterano ng World War II, na naglingkod sa bansa mula 1939 hanggang 1945. Sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling matalas ang kanyang isipan at nagpamalas ng galing sa pagkanta, isang patunay ng kaniyang kasiglahan.
Bilang pagkilala sa kanyang pagiging centenarian, makakatanggap si Laki Reymundo ng P100,000.00 mula sa National Government, alinsunod sa Republic Act No. 10868, na nagbibigay halaga at suporta sa mga Pilipinong umabot sa edad na 100 taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨