Walong beteranong pangasinense ang binigyang pagkilala at pinarangalan sa katatapos na 78th Lingayen Gulf Landings at 16th Pangasinan Veterans’s Day Commemoration.
Ang mga kinilalang beteranong Pangasinense ay pinagkalooban ng plake ng pagkilala, medalya at sampung libong piso mula sa provincial government ng Pangasinan.
Hinimok ng gobernador ng lalawigan ang pwersa at tulong tulong na institusyong pang-edukasyon, Center for Pangasinan Studies, mga mambabatas, national at lokal na official governments para mailunsad ang mga proyekto at programa sa pagkamit nila sa kanilang layunin.
Layunin nilang maiparating at mailagay sa isipan ng mga kabataan at mga susunod na henerasyon ang kabayanihan at kagitingan ng mga beteranong nakipaglaban para sa kalayaan.
Idiniin din ng gobernador ang importansya ng pagbabalik ng Reserve Officer Training Course o ROTC sa college level na nagtuturo ng disiplina at pagiging makabayan sa kasalukuyang henerasyon. | ifmnews
Facebook Comments