Manila, Philippines – Ilang lansangan ang isasara simula mamayang alas-10 ng gabi para sa pag hahanda ng World Wide Walk to fight poverty ng Iglesia Ni Cristo.
Kabilang sa mga isasara ang Roxas Boulevard hanggang sa magkabilang lane ng finance road mula sa Taft Avenue patungong Padre Burgos.
Isinagawa narin ng Manila Police District ang seguridad para sa pandaigdigang paglalakad na gaganapin sa Quirino Grandstand.
Nagbigay narin ng alternatibong ruta ang MPD na maaaring pagdaanan ng mga maaapektadong sasakyan.
Samantala, tatlong libong pulis, ang ipapakalat ng mpd para sa mga kalahok na mananampalataya simula bukas hanggang sa pagtatapos nito.
layunin ng World Wide Walk na labanan ang kahirapan at isulong ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng panalangin at pagkakaisa.