World’s biggest flying laboratory ng NASA, lumipad na sa Pilipinas

Inilunsad na ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang world’s biggest flying laboratory nito sa Pilipinas.

Ito ay parte ng serye ng marathon flight ng NASA sa ilang bansa sa asya na layong tukuyin ang pinanggagalingan ng air pollution.

Batay sa tracking site na Flight Aware, dalawang beses ng lumipad ang NASA lab sa ilang pinakamataong lugar sa bansa kabilang na sa ncr upang kumuha ng mga particle ng hangin na gagamitin sa pag-aaral.


Ilalabas ng NASA ang resulta ng pag-aaral sa susunod na taon.

Umaasa naman si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Loyzaga na makatutulong ang pag-aaral ng NASA sa paggawa ng patakaran tungkol sa public health, industrial compliance, at ecosystem preservation at conservation ng bansa.

Facebook Comments