Mexico – Pasok sa Guinness World Record ang tinaguriang “World’s Largest Guacamole Serving” na ginawa sa Jalisco, Mexico.
Ang Guacamole ay isang uri ng salad na popular sa nasabing bansa.
Mahigit 800 Mexicano ang nagtulong-tulong na gumawa ng 6,500 pounds na Guacamole serving sa pangunguna ng kompanyang Empacadora De Aguacates Sierra Del Tigre.
Ito ay may sangkap na 25, 200 na abokado, 3, 500 na kamatis, 300 lemon, 750 na sibuyas at 90 bundles ng cilantro o coriandor (kinchay).
Sabay-sabay itong inihain sa mga nagboluntaryong gawin ang ipinagmamalaki nilang Guacamole serving
Facebook Comments