Tokyo, Japan – Parang mani lang para sa isang lalaki sa Tokyo, Japan ang maghula hoop.
Tinatawag na hoop man Yu-Ya’ si Yuya Yamada sa kanilang lugar dahil bukod sa pag-papaikot ng hula hoop, marami din itong alam na tricks.
Pero hindi simpleng hula hoop ang kanyang pinaiikot dahil may laking higit limang metro ang kaya niyang paikutin sa kanyang bewang.
Dahil dito, na-break niya ang pinakabagong record sa Guinness Book of World Record sa pagpapaikot ng ‘world’s largest hula hoop’.
Ayon kay Yu-Ya, balak niya pang higitan ang nasabing record.
Facebook Comments