Manila, Philippines – Muli na namang bumida ang Pilipinas matapos nitong masungkit ang Guiness World Record na may pinakamalaking “lantern parade” o parada ng mga ilaw.
Isinabay ang record-breaking na parada sa Tanglawan Festival ng San Jose Del Monte City sa Bulacan kung saan nasa 10,800 indibidwal ang sumali.
Dahil dito matagumpay na naagaw ng siyudad ang record mula sa Singapore na nakapagtala lamang ng 10,568 noong 2008.
Una nang sinubukang agawin ng San Jose Del Monte City ang record mula sa Singapore noong Setyembre 9, 2017 pero nabigo sila.
Facebook Comments