
Pormal na binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-14 na edisyon ng WorldSkills ASEAN Competition sa Pasay City kagabi.
Tampok sa event ang halos 1,000 delegado mula sa siyam na miyembrong bansa ng ASEAN.
Humigit-kumulang 300 kabataang kalahok ang magtatagisan sa 32 skill areas sa manufacturing and engineering technology, information and communications technology, construction and building technology, social and personal services, creative arts and fashion, at transportation and logistics.
Ayon sa Pangulo, ang mga ganitong programa ay patunay ng pagnanais ng bansa na maiangat ang tech-voc training sa antas na pasok sa pandaigdigang pamantayan upang makabuo ng multi-skilled at globally competitive na manggagawang Pilipino.
Gaganapin ang kompetisyon mula Agosto 26 hanggang 28 sa World Trade Center at Philippine Trade Training Center.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ginanap sa Pilipinas ang WorldSkills ASEAN, matapos maghost ng bansa noong 1996.









