Manila, Philippines – Ilang kalsada sa maynila ang isasara sa sabado at linggo, july 14 at 15, para bigyang-daan ang “Worldwide Aid to Fight Poverty” ng Iglesia ni Cristo (INC).
Nasa 200,000 miyembro ng religious group ang inaasahang dadalo sa two-day eveny na idaraos sa Rizal park.
Mula alas 6:00 ng gabi, isasara sa mga motorista ang kahabaan ng Katigbak drive, South drive at Independence road.
Habang mula alas 12:01 ng hatinggabi sa Linggo, isasara ang:
– Kahabaan ng road-10 mula Moriones hanggang Delpan bridge
– Kahabaan ng Bonifacio drive mula delpan bridge hanggang Katigbak drive
– Kahabaan ng Roxas Boulevard mula Katigbak drive hanggang P. Ocampo
– East at Westbound Lane mula P. Burgos mula lagusnilad hanggang Roxas Boulevard
– Finance road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos
– Westbound lane ng T.M. Kalaw mula M.H. Del Pilar hanggang Roxas Boulevard
– Westbound lane ng Pres. Quirino mula M.H del pilar hanggang Roxas boulevard
Pinayuhan naman ng mmda ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa mga sumusunod na alternative route:
– Lahat ng mga sasakyang balak dumaan sa southbound lane ng r-10 ay maaaring kumaliwa sa moriones street hanggang sa destinasyon
– Kung manggagaling sa Pasay area at balak dumaan sa Northbound lane ng Roxas Boulevard, kumanan sa P. Ocampo street o gamitin ang Roxas Boulevard service road hanggang sa destinasyon
– Ang mga sasakyang mula sa mga tulay ng Quezon, Mcarthur at Jones na balak dumaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring dumeretso sa Taft Avenue hanggang sa destinasyon
– Kung magmumula sa Ayala Bridge, kumaliwa/ kumanan sa taft avenue hanggang sa destinasyon
– Kung balak dumaan sa Westbound lane ng Pres. Quirino, kumaliwa sa mabini street hanggang sa destinasyon
– Lahat ng mga heavy vehicle/ cargo truck ay pinapayuhang dumaan sa Pres. Osmeña patungong Pres. Quirino, deretso sa nagtahan, A.H. lacson, Yuseco, Capulong hanggang r-10 (at vice versa).