"Worst Career Defeat" ni LeBron James sa NBA, ipinalasap ng Indiana Pacers

Ipinalasap ng Indiana Pacers kay LeBron James ang pinakamasaklap nitong pagkatalo sa kanyang labing-anim na taong career sa NBA kanina.

Ito ay makaraang tambakan ng Pacers ang Los Angeles Lakers, 136-94, sa pangunguna ni Nojan Bogdanovic na umiskor ng 24 points.

Nag-ambag pa ng 22 puntos si Myles Turner at 12 points mula kay Thaddeus Young para lalong ibaon ang Lakers.


Kahit wala ang All-Star guard ng pacers na si Victor Olapido, ‘ni hindi sila nagawang maungusan ng Lakers sa kabuuan ng laro.

Hindi naman nagbunga ang 18 points ni LeBron para sa Lakers gayundin ang 16 markers ni Javale Mcgee.

Facebook Comments