WORST CASE SCENARIO – DOH, nakahanda sa dagsa ng mga naputukan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa sila sa ‘worst case scenario’ sakaling dumami ang bilang ng mga mapuputukan nitong salubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, III – hindi sila nagbaba ng preparasyon sa kabila ng mababang bilang ng mga napuputukan.

Ani Duque – mas mainam na sobra ang kanilang paghahanda kaysa na kapusin sila ng tulong sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.


Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 86 na kaso ng firecracker injuries mula pa noong December 21, 2017.

Facebook Comments