‘Wow cool post, thanks for sharing’ comment trend sa Facebook

Palagi mo na rin bang nakikita ang “wow cool, thanks for sharing” sa halos lahat ng malalaking Facebook pages? Para saan nga ba ang copypasta na ito?

“Wow cool post IGN, thanks for sharing”

May ilang nagsasabi na sarcasm at ginagamit lamang itong pangt-troll gaya na lamang sa Facebook page ng IGN–video game-related website–kung saan hindi ikinatutuwa ng followers ang pagiging masyadong “woke” daw ng IGN, recently.


Sa palagay naman ng iba, target ng spammers ang “Top Fan Badge” sa mga FB pages na fino-follow ng mga ito at magkaroon ng perks gaya ng comment highlight at fan ranking.

Ang Top Fan ay title na ibinibigay ng Facebook sa mga active followers–active mag-react at mag-comment sa posts.

Ano pa man ang dahilan, isa lang ang sigurado–marami pa rin sa mga ito ang sumusunod at gumagaya sa mga nakikita nila–dahilan para mas mabilis na kumalat sa internet.

Facebook Comments