WOW | Pinay transgender, pinabilib ang ‘The Voice US’ judge

Amerika – Isang pinay transgender ang nagpabilib sa mga celebrity judge ng ‘The Voice US’.

Bukod sa kauna-unahang transgender contestant si Angel Bonilla sa palabas, napahanga nito ang isa sa mga hurado na si Adam Levine sa kanyang bersyon ng ‘lay me down’ ni Sam Smith.

Noong 2016, siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa isang music competition sa Europa.


Kasalukuyang naghahanda si Bonilla para sa battle rounds ng ‘The Voice.’

Facebook Comments