WOW! | Watawat ng Pilipinas na gawa sa libu-libong palito ng posporo, viral sa Facebook

Manila, Philippines – Mabilis na nag-viral sa social media ang bandila ng Pilipinas na gawa ng artist na JC Apellado.

Hindi ito basta pangkaraniwang obra lang, dahil ang watawat, gawa lang naman sa halos dalawampung libong palito ng posporo!

Sinimulan niya itong gawin bago mag-Semana Santa at natapos niya sa loob ng isang linggo.


Aminado naman si JC na nahirapan din siyang buuin ang obra dahil masyado itong mabusisi.

Pinagdikit-dikit niya ang mga palito ng posporo gamit lang glue saka pininturahan nang matuyo.

Proud na proud naman ang kanyang mga pamilya lalo na ang mga kababayan niya sa Legaspi City.

Facebook Comments