WPP, ine-evaluate pa ang aplikasyon ni Dexter Carlos para sa full coverage nito sa programa

Manila, Philippines – Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng pamunuan ng Witness Protection Program ang aplikasyon ni Dexter Carlos ang padre de pamilya na naulila sa nangyaring masaker sa San Jose del Monte, Bulacan para ito ay maisailalim sa full coverage ng WPP.

Ayon kay WPP Chief Nerissa Carpio, sa ngayon nasa provisional coverage pa lamang si Carlos.

Pero sa loob aniya ng isang linggo lalo na kung wala namang problema ay maisasailalim na si Carlos sa full coverage ng WPP.


Una nang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kinakailangang matiyak ang kaligtasan at seguridad ni Carlos habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagpaslang sa kanyang asawa, byenan at tatlong anak.

Alinsunod na rin ito sa itinatakda ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act Number 6981 o Witness Protection Program, Security and Benefit Act.

Ilan sa mga benepisyong maipagkakaloob kay Carlos kapag ito ay sakop na ng WPP.

Facebook Comments