WPS | Alegasyon ni Magdalo Rep. Gary Alejano, pinasinungalingan ng gobyerno

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng gobyerno ang paratang ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng patrol sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque – imposibleng ipag-utos iyon ng Pangulo.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana – walang inilabas ang pangulo na ganoong kautusan.


Isang malisyosong bintang naman para kay AFP Spokesman, Col. Edgard Arevalo ang ginawang pahayag ni Alejano.

Ani Arevalo – patuloy pa rin ang maritime at aerial patrols sa pinagtatalunang karagatan.

Tiniyak din ng AFP na itinataguyod pa rin nila ang kanilang mandatong protektahan at pangalagaan ang teritoryo ng bansa.

Facebook Comments