WPS | China, nais makasama ang ASEAN sa joint exploration at military exercises sa mga pinag-aagawang teritoryo

Bukod sa Pilipinas, gusto rin ng China na makasama sa joint oil exploration at military drills sa mga pinag-aagawang teritoryo ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ay bahagi ng binabalangkas na code of conduct sa pagitan ng China at ASEAN.

Ipinunto ng China na huwag isali sa mga nabanggit na aktibidad ang mga bansa na nasa labas ng rehiyon gaya ng Estados Unidos.


Ang ASEAN ay kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam, Myanmar, Laos, Cambodia, Brunei at Pilipinas.

Matatandaang bukas sa China ang proposed 60-40 sharing ng natural resources sa Pilipinas sa West Philippine Sea.

Facebook Comments