WPS | China, tiniyak na makikipagtulungan sa ASEAN para mabuo ang COC sa South China Sea

Manila, Philippines – Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na makikipagtulungan ito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para matapos ang Code of Conduct (COC) sa West Philippines Sea sa loob ng susunod na tatlong taon.

Ayon kay Xi – ang Pilipinas at China ay kapwa may common interest sa South China Sea at nangako siya na bubuo ng mapayapang resolusyon sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.

Ang Pilipinas at China ay kabilang sa pitong bansa na umaangkin ng ilang bahagi ng pinagtatalunang karagatan.


Noong 2016, kinatigan ng permanent court of arbitration ang Pilipinas sa claim nito sa West Philippines Sea.

Pero sa ilalim ng Duterte Administration, isinantabi ang hague ruling para mapagtibay ang relasyon nito sa China.

Una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-aangat niya ang napanalunang kaso sa China bago matapos ang kanyang termino.

Facebook Comments