Manila, Philippines – Iginiit ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na marami na ang napagtagumpayan ng Pilipinas at China sa knilang bilateral talks.
Umapela si Cayetano sa mga kritiko na tigilan nang husgahan ang mga hakbang ng gobyerno.
Ang Pilipinas at China ay mayroong bilateral consultative mechanism at nakapagsagawa na ng pulong ng tatlong beses.
Kabilang sa mga napag-usapan ay tungkol sa pangingisda, maritime security, langis at ang pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea (WPS).
Aminado si Cayetano na hindi madaling resolbahin ang isyu ng WPS dahil seryosong usapin ito.
Facebook Comments